Ivana kumasa sa 'bus challenge' ni Lloyd Cadena: Lahat ng kikitain ibibigay natin sa kanyang pamilya | Bandera

Ivana kumasa sa ‘bus challenge’ ni Lloyd Cadena: Lahat ng kikitain ibibigay natin sa kanyang pamilya

Ervin Santiago - September 07, 2020 - 09:37 AM

 

TINUPAD ni Ivana Alawi ang kanyang pangako sa yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

 

Ayon sa Kapamilya sexy actress, may napag-usapan sila noon ni Lloyd tungkol sa gagawin nila sanang vlog challenge at collaboration.

 

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Ivana ang kanyang mensahe sa pagpakamatay ni Lloyd at ang pagtanggap niya sa hamon nito noon na maglinis sila ng isang bus.

 

“Hinamon ako ni Kween Lloyd Cafe Cadena sa kanyang last vlog na inupload niya sa kaniyang channel. Ang request nya, mag carwash kami ng Bus together,” simulang pahayag ni Ivana.

 

“Nakakalungkot man at hindi natin magagawa ng magkasama ito at wala ka dito sa tabi ko itutuloy ko ang hamon mo dahil alam ko nanonood ka diyan sa heaven at masisiyahan ka dito,” pahayag ng dalaga.

 

“Para kay Lloyd itong video at lahat ng kikitain nitong video ay ibibigay natin sa kanyang naiwang pamilya para makatulong kahit sa maliit na paraan na alam ko,” sabi pa ng aktres.

 

“Hindi pa kita nami meet personally or nakacollab. Pero alam ko meron kang napakabait na puso, Marami kang natulungan, napsaya, nainspire.

 

“Kween LC isa ka sa pinaka original na YouTuber na mahal namin and you will never be forgotten.

 

“REST IN PARADISE.”

 

May pahabol namang mensahe ang actress-vlogger para sa lahat ng magtatanong kung nasunod ba niya ang health at safety protocols nang gawin niya ang challenge.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“PINASARA AT WALANG IBANG TAO ANG NASA AREA NA ITO KAYA NAKAPAG TANGGAL AKO NG MASK,” sey ng dalaga.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending