‘Himutok’ ni Sylvia Sanchez sa anak na si Gela: Dati ako’ng nag-uutos sayo, ngayon ako na inuutusan mo!
Sa panahon ngayon ng pandemya na maraming negosyong nagsara at maraming nawalan ng trabaho ay online selling ang naisip ng iba para kumita.
Walang mayaman at mahirap dahil lahat ay nagbebenta ng kung anu-ano tulad ng pagkain at halaman. May “pasa-buy” sa grocery at merong iba namang pati personal na gamit ay ibinebenta.
At kabilang na rito ang ika-apat na anak ni Sylvia Sanchez na si Gela Atayde na katatapos lang ng senior high school sa Poveda. At ang kanyang ibinebenta: tacos at nachos na paboritong niluluto ng ina kapag may pagtitipon sa kanila o kaya naman ay may reregaluhan sila.
Natutunan ni Gela kung paano gawin kaya ito ang naisip niyang ibenta para nga naman bawas hingi na kay mudra.
Bata pa lang si Gela ay mahilig na itong magbenta. Katunayan, noong nauso ang mga panali sa buhok ay siya mismo ang gumagawa at isa kami sa nabentahan.
Anyway, habang sinusulat namin ang balitang ito ay nag-post si Sylvia na nag-request ang anak niyang ibili niya ng ingredients ng lulutin niyang tacos para sa orders niya ngayong weekend.
Disisiyete anyos palang si Gela at ipinagbabawal lumabas ang mga edad 20 pababa kaya lahat ng kailangan niya ay ang nanay niya ang bumibili.
Nag-post ng mga larawan nila ni Gela si Sylvia na may caption:
“Dati ako ang nang-uutos sa’yo anak ah, ngayon ako na ang inuutusan mo., yes po! Ang aga ko pong gumising para bilhin lahat ng ingredients na kailangan niya habang naggo-grocery ako, niluluto naman n’ya ang mga order’s sa kanya for today.
“Nakakatuwa na nagne-negosyo ang anak ko kailangan daw n’ya mag save k’ya kailangan suportahan ang bagets at ok lang @ataydegela kahit ilang beses pa akong gigising ng umaga para ipamili lahat ng kailangan mo, gagawin ko basta mahigpit na yakap, halik at halakhak mo ang kapalit , masaya na ako.
“Kami ng daddy mo susuporta sa Nathan’s Cuisine mo. Love u Gelatin.
#proudmom
#simplejoy
#thankuLORD
Happy afternoon.”
Halos lahat ng anak ni Ibyang ay marunong sa negosyo at namana nila iyon sa kanilang magulang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.