Matapos ang inisan, topakan: Bianca Gonzalez at asawang si JC Intal first time nag-date simula ng quarantine
“Nakaka-miss din pala to be out and eat out.”
Ito ang sweet na pagbabalita ng TV host na si Bianca Gonzalez matapos na sila ng kanyang mister na si PBA cager JC Intal ay mag-dinner date sa kauna-unahang pagkakataon simula pa ng isailalim ang bansa sa quarantine noong Marso.
“Our very first date since the quarantine started last March,” ani Bianca sa kanyang Instagram post.
Ang venue: ang kanilang dating paboritong tagpuan ng kanyang 6′ 4″ na asawa noong sila ay magkasintahan pa lamang.
“He drove me to work, ran errands for our home, picked me up, and on the way back home we decided to have an outdoor, socially-distanced early dinner in one of our favorite Japanese restaurants where we often went when we were just dating,” kwento ni Bianca.
Inamin niya na takot pa rin siya sa mga aktibidad gaya ng pagkain sa labas sa harap ng patuloy na tumataas na bilang ng mga nagkakasakit ng COVID-19 sa bansa.
Pero nawala umano ang agam-agam niya dahil may nag-iisang outdoor table ang Japanese restaurant at doon sila pumwesto.
“It was nice to be ‘just us’ after sooo long!! We took pictures of each other just like this, we talked about where we want to go when its safe to go places, and we held hands walking back to the car,” ani Bianca.
“Nakaka-miss din pala to be out and eat out,” dagdag ba niyang chika.
Inamin niya na ang quarantine ay nagdulot ng panibagong challenges sa kanila ni JC bilang mag-asawa.
“This whole quarantine has been a dance of sorts for us as husband and wife: nagkaka-inisan, nagkaka-tiempuhan ng topak pag pagod o pag maraming iniisip, o hindi lang nagkakausap kasi nasa phone o nasa mga bata,” pagtatapat pa ni Bianca.
“So this was nice. It was nice to go out on a (super fast) date again.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.