Mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 232,072 na
Mahigit 3,000 ang naitalang bagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (September 4), umabot nasa 232,072 ang confirmed cases ng COVID_19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 67,786 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,714 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
90.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.9 porsyento ang asymptomatic; 0.9 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nakuha ang mga datos mula sa 93 out of 113 licensed laboratories.
Nasa 49 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 3,737 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,088 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 160,549 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.