Gina Pareño viral TikToker sa edad na 70; malapit na ring maka-1M
BONGGA talaga ang award-winning veteran actress na si Gina Pareño!
In fairness, sa edad niyang 70, kering-keri pa rin ng premyadong aktres na makipagsabayan sa mga kabataang TikTokers.
Kilalang-kilala na rin siya ngayon ng mga netizens bilang si “Lola Gets” na isa sa mga pinasikat niyang karakter sa teleseryeng ginawa niya noon, ang “Tayong Dalawa” nina Kim Chiu at Gerald Anderson.
Patok na patok ngayon si Gina sa mundo ng TikTok gamit nga ang username na @yourlolagets,
dahil sa mga nakaaaliw at nakaka-good vibes na video na kanyang ginagawa sa tulong na rin ng kanyang apo.
Sa katunayan, umabot na sa 900,000 ang followers niya sa TikTok habang ang isang video niya ay humamig na na mahigit 4.5 million likes.
Nagsimulang magpaandar sa TikTok ang veteran star noong Mayo lang na kasagsagan ng lockdown sa bansa dulot COVID-19 pandemic.
“Home at bored and bored at home, yung parang maloloka ka na,” ang chika ni Gina Pareño sa latest TikTok video niya kasama ang apong si Angelika Shayne na siyang nanghikayat sa kanya na mag-join sa patok na TikTok
Sabi ni Shayne, “Whenever she sees me dancing or putting on makeup, she checks me out in my room. She would ask me what I was doing.
“She always says she wants to also join and that she also wants to dance. That’s when we realized, why not let her join TikTok?” aniya pa.
Ilan sa mga viral video ni Gina ay mula rin sa suggestion ni Shayne kasama ang personal director niyang si Joshua Maghirang.
Isa raw sa mga nagustuhan niya sa TikTok ay, “Nae-express mo yung sarili mo, yung nararamdaman mo, masaya ka lang at nakapagpapasaya ka rin at the same time.
“Ang intensyon mo ay para pasayahin ang mga tao. Doon mo mai-express ‘yung sarili mo na natural, na gusto mo,” dagdag pa niya.
Isa sa mga nag-viral na TikTok video ng aktres ay ang kanyang “Wipe It Down” challenge na humamig na ng more than 4 million views.
Kumasa rin si Lola Gets sa My Chinita Girl Challenge, Binibining Marikit, Takata, Maria, Love Story at Selfie Song Challenge.
Sabi nga ng direktor ni Gina na si Joshua Maghirang, “We’ve experienced a lot of stress and anxiety during the first few months of quarantine. With all our limitations, here comes Gina Pareño as Lola Gets and viola, we created her TikTok account.”
At ngayon nga, ginagamit na rin ni Lola Gets ang TikTok para makipagchikahan sa kanyang fans. Sa pamamagitan ng bago niyang paandar na #AskWednesday, sinasagot niya ang mga tanong ng kanyang followers tungkol sa kung anu-anong topic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.