Korina ‘hiwalay’ muna kay Mar: Siya naman ngayon ang naka-quarantine
“HIWALAY” muna ngayon ang mag-asawang Korina Sanchez at Mar Roxas.
Ito ang ibinalita ng veteran broadcast journalist sa madlang pipol dahil kailangang mag-self quarantine nang ilang araw ang kanyang mister.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Korina ng litrato ng dating senador kung saan makikita itong nakikipaglaro sa kambal nilang anak na sina Pepe at Pilar.
Sa caption na inilagay niya, ipinaliwanag ng TV host kung bakit naka-isolate ngayon si Mar. Aniya, ang asawa raw niya ang nagbabantay sa ina nitong si Judy Roxas-Araneta sa ospital.
Pahayag ni Korina, “For those wondering where Pappi is… Siya naman ngayon ang naka quarantine from me and the kids.
“He had to care for his mom in the hospital for a while.”
Ayon pa sa host ng “Rated K”, okay na naman daw ang health conditiom ng kanyang biyenan. Kailangan lang daw talaga munang mag-quarantine ni Mar at magpa-swab test para siguradong ligtas ito sa COVID-19.
“So now pabisi-bisita sya but can’t get in direct contact with any of us.
“It’s hard. This pandemic life with babies. At least one of us is always with the kids. His mom is fine.
“But it’ll take a bit before they swab and then tsaka palang pwedeng lumapit sa amin.
“The kids are longing to hug their Pappi. Best be safe than sorry, right?” mensahe pa ni Korina.
Sunud-sunod ang komento ng IG followers niya at halos lahat ay nagsabing ipagdarasal nila ang nanay ni Mar pati na rin ang kaligtasan ng senador.
Pero as usual, may isang netizen na nambasag sa post ni Korina at nagkomento ng, “Grabee naman maka edit nag mukha na cya ni pres obama haha.” Na ang tinutukoy ay ang dating Presidente ng Amerika na si Barack Obama.
Resbak naman sa kanya ni Korina, “What the hell are you talking about!? Bobo mo naman mag troll! Get lost idiot!”
Sa ngayon, hindi na makikita ang banat ni Korina sa comments section ng kanyang IG post.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.