Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 226,440 na | Bandera

Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 226,440 na

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - September 02, 2020 - 06:55 PM

Mahigit 2,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules (September 2), umabot na sa 226,440 ang kumpirmadong mga kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 64,207 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,218 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Umaabot sa 91.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 6.4 porsyento ang asymptomatic; 1.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ang mga datos mula sa 102 out of 110 licensed laboratories.

Nasa 27 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 3,623 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 609 naman ang gumaling pa sa bansa kung kaya’t umakyat na sa 158,610 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending