Arnold Clavio dedma lang sa pasabog ni Sarah; hinamon ni Jay Sonza
ARNOLD Clavio was unusually quiet sa controversial statement ni Sarah Balabagan na siya ang ama ng kanyang panganay na anak.
Ang dating palaban na broadcaster ay biglang nanahimik. His quiet stance and deafening silence intrigued many netizens.
Nasaan na raw ba ang tapang ni Arnold. Bakit tila naumid ang kanyang dila sa issue na kanyan kinasangkutan?
Sa kanyang programa sa radio ay may segment na blind item. Enjoy na enjoy sila sa pagbabasa ng mga clues sa subject nila sa blind item.
Heto, hindi blind item ang issue. This time, siya naman ang subject ng intriga. Ngayon, the best question to ask him is this: How does it feel na ikaw naman ngayon ang iniintriga?
Matindi ang banat kay Arnold ng laos na broadcaster na si Jay Sonza, kailangan daw nitong sagutin ang aria ni Sarah o mawala na lang ito nang tuluyan sa ere.
Actually, sa comments and reaction ng netizens, halos lahat ay kumampi kay Sarah, walang masyadong nagtanggol kay Arnold.
Ang bukod-tanging nagtanggol lang kay Arnold ay si Aling Lolit Solis. Matagal na daw issue ‘yun at hindi na pinag-uusapan. Open secret na iyon sa showbiz.
While it may be true, it cannot be denied na napakalaking pagyanig pa rin ang pasabog na revelation ni Sarah. It created a major impact at talagang pinag-usapan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.