Container vans, ginawang COVID-19 isolation facility sa Pasay
Ipina-convert ng Pasay City government ang mga container van sa lungsod.
Ito ay ginawa para maging isolation facility ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.
Sa larawang ibinahagi ng Pasay City Public Information Office, makikitang nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Emi Calixto-Rubiano sa bahagi ng MOA complex at CCP complex.
Sinabi ng Pasay City PIO na ito ay resulta ng paghingi ng alkalde ng tulong kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar para mapakinabangan ang 300 container vans bilang healthcare rooms.
Sa bawat kwarto, mayroong nakalagay na air conditioning unit, toilet at paliguan.
Sa huling datos hanggang 11:50, Miyerkules ng gabi (August 26), nasa 3,423 na ang confirmed COVID-19 cases sa Pasay City kung saan 597 pa ang aktibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.