'Home Alone' star nagparamdam sa madlang pipol: Hey guys, wanna feel old? I'm 40! | Bandera

‘Home Alone’ star nagparamdam sa madlang pipol: Hey guys, wanna feel old? I’m 40!

Ervin Santiago - August 27, 2020 - 09:37 AM

 

KAHAPON, kakapanood pa lang namin sa cable ng classic comedy film franchise na “Home Alone” na pinagbidahan ng American actor na si Macaulay Culkin.

In fairness, ilang beses na naming napanood ito sa loob ng maraming taon pero sa tuwing uulitin namin ang movie ay napapatawa at nag-eenjoy pa rin kami.

Sigurado kami na hindi lang ako ang nakaka-feel nito kapag pinanonood uli ang kuwento ng batang si Kevin (Macaulay Culkin) sa “Home Alone” na ipinalabas noong 1990.

Tungkol ito sa eight-year-old na si Kevin na aksidenteng naiwang mag-isa sa bahay nila nang magbakasyon sa France ang kanyang pamilya. Ginawa niya ang lahat para labanan ang mga magnanakaw na manloloob sa bahay nila.

At dahil sa tagumpay nito sa takilya, nagkaroon ito ng sequel, ang “Home Alone 2: Lost in New York” na ipinalabas naman noong 1992.

Naikuwento namin ito dear BANDERA readers dahil sa tweet ng dating American child star na nagpapaalala sa lahat na 40 years old na siya ngayon. Nag-celebrate siya ng birthday kahapon, Aug. 26.

Post ni Macaulay sa kanyang Twitter account, “Hey guys, wanna feel old? I’m 40. You’re welcome.”

“It’s my gift to the world: I make people feel old. I’m no longer a kid, that’s my job,” hirit pa niya.

Sinundan pa niya ito ng mensaheng, “Since I’m 40 I think it’s about time to start my midlife crisis. I’m thinking of picking up surfing. Do you all have any suggestions?”

Ilang oras pa lang niyang naipo-post ang kanyang hugot tweet ay nakakuha na agad ito ng 800,000 likes mula sa netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending