Enrollees para sa SY 2020-2021 mahigit 23.69 milyon na
Umabot na sa mahigit 23.69 milyo na mga mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa SY 2020-2021.
Sa datos ng Department of Education (DepEd), 23,697,256 na mga mag-aaral na ang nakapagpa-enroll.
Sa nasabing bilang, 21,840,050 ang nagpatala sa mga pampublikong paaralan.
Umabot naman sa 1.81 milyon naman ang nagpa-enroll sa mga pribadong paaralan.
Malaking bilang ng enrollees ay sa elementarya na umabot sa 11,487,087.
May nagpa-enroll din na 7,468,500 para sa junior high school habang 2,651,303 sa senior high school.
Madaragdagan pa ang bilang ng enrollees dahil patuloy pa ang pagpapatala sa ilang pribadong paaralan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.