JUDY ANN: Marami akong nasaktan, pero tao lang ako...kailangan ko ring magpagalng | Bandera

JUDY ANN: Marami akong nasaktan, pero tao lang ako…kailangan ko ring magpagalng

Ervin Santiago - August 22, 2013 - 03:00 AM


KAHIT matatapos na ang kontrobersiyal na teleserye ni Judy Ann Santos na Huwag Ka Lang Mawawala sa Primetime Bida ng ABS-CBN, itutuluy-tuloy pa rin ng Soap Opera Queen ang adbokasiya niya para sa mga babaeng minamaltrato at inaapi.

Ayon kay Juday, hindi sa Huwag Ka Lang Mawawala matatapos ang pagbibigay niya ng inspirasyon para sa mga Pinay na dumaraan din sa matitinding pagsubok sa buhay tulad ng karakter niya sa programa na si Anessa, lalo na ang mga biktima ng domestic violence.

Sa huling interview namin kay Juday, sinabi niyang nag-aral pa talaga siya ng Krav Maga, isang Israeli method of self-defense, para sa Huwag Ka Lang Mawawala kung saan kasama rin niya sina KC Concepcion at Sam Milby.

“Ang Krav Maga ay hindi form of martial arts, pero it’s a form of on how to really defend yourself. Sa Israel siya nagsimula. Ngayon, na-realize ko lang noong nagsimula akong mag-aral ng krav maga, na-realize ko na even after na maipalabas ang teleserye namin, hindi ako dapat huminto.

“Parang, ito na yata ang isa sa pinakabagong advocacy na gagawin ko and actually, to organize a, maybe, Krav Maga session for the organization of abused women for them to realize na, this is what you have to know and your children have to know.

“Mapoprotektahan ka talaga, malaking bagay talaga ang Krav Maga,” sey naman ni Juday sa isang TV interview. Bukas na ang finale episode ng Huwag Ka Lang Mawawala after Muling Buksan Ang Puso at sinisiguro ni Juday na hinding-hindi raw ito makakalimutan ng mga manonood.

“Ay naku, last Friday, we shot the finale scene already. Kami mismo, noong sinoot namin yun, magbubuhat ako ng bangko. It’s a beautiful scene. Talagang yung finale, kakapit kayo, mangangamba kayo, very suspense, very thrilling.

“And at the same time, maiiyak kayo. Hindi lang sa character ni Anessa kung hindi sa lahat. Pati sa kontrabida. Lahat, maiintindihan n’yo kung bakit sila ganu’n,” kuwento pa ng aktres.

Dito rin inamin ni Juday na totoong medyo may pagka-selfish ang naging desisyon niya na tapusin na agad ang kanilang serye, “Kasi, siguro, selfish din ang naging desisyon ko.

Ina-address ko naman yun. Parang, nawala ako ng dalawang taon, gusto ko mula simula hanggang pagtatapos, mapanood ng mga tao ang pinaghirapan namin.

“Kasi, happy ako sa kanya. Proud ako sa project namin. At the same time, nakaka-overwhelm ang mga messages ng mga tao sa Twitter, sa Instagram kapag nagpo-post kami ng mga photos.

Ito lang yata ang teleseryeng nagawa ko na well-appreciated and well-applauded ng lahat. “So, parang gusto ko namang ibigay sa kanila yung, tatapusin ko po ‘to at sisiguraduhing mapapanood ninyo.

Gusto kong umexit na taas-noo namin na naitawid ng bongga. “I’m sure, marami rin ang nasaktan sa ginawa ko. Ako rin mismo, I needed to heal. I have to heal for a while.

Tao lang po ako, kailangan ko muna pagalingin ang pinagdaanan ko,” maemosyon pang pahayag ni Juday. Siyempre, suportado pa rin ang aktres ng kanyang loving husband na si Ryan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending