Pangulong Duterte sa pinalulutang na RevGov: "Wala akong pakialam diyan" | Bandera

Pangulong Duterte sa pinalulutang na RevGov: “Wala akong pakialam diyan”

Ulat ng Bandera at Radyo Inquirer - August 25, 2020 - 02:23 PM

Dumistansya si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pinalulutang na pagbubuo ng revolutionary government ng kaniyang mga tagasuporta.

Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam at hindi niya kilala ang mga taong nasa likod nito.

Hindi aniya bahagi ng kaniyang trabaho ang patungkol sa pagbuo ng RevGov.

Una rito, nagpahayag ng pagsuporta para sa bagbuo ng RevGov ang grupong nagpakilala bilang “Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC)”.

Layon anila ng pagbuo ng RevGov na mapabilis ang pagsusulong ng pederalismo.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Harry Roque na abala ang pangulo sa pagtugon sa problema ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending