Bilang ng mga nasawi sa pagsabog sa Jolo, Sulu 15 na; mahigit 70 sugatan
Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga nasawi sa magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.
Sa datos mula sa Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakalap ng Radyo INQUIRER, 7 sundalo, 6 na sibilyan, 1 pulis, at ang suicide bomber ang nasawi sa pagsabog.
Umaabot sa 48 sibilyan na nasugatan, 19 na sundalo at 9 na pulis.
Ang unang pagsabog ay naganap alas 11:55 ng umaga malapit sa Paradise Food Plaza sa Barangay Walled City sa Jolo.
Habang rumeresponde ang mga sundalo at pulis sa bomb site, isang suicide bomber ang nagpasabog malapit naman sa Development Bank of the Philippines ala 1:00 ng hapon.
Nagpatupad na ng lockdown sa buong Metro Jolo para sa kaligtasan ng mga residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.