Puting pusang nilagyan ng turmeric, naging si Pikachu | Bandera

Puting pusang nilagyan ng turmeric, naging si Pikachu

Karlos Bautista - August 25, 2020 - 08:13 AM

Before and After: Ang alagang pusa na busilak sa puti sa natural niyang kulay (taas) ay nagmistulang si Pikachu sa matingkad na kulay dilaw na balahibo matapos pahiran ng turmeric ito (baba). (Larawan mula sa Facebook account ni Thammapa Supamas)

Bentang-benta ngayon ang turmeric dahil sa madami raw nitong health benefits. Luyang dilaw kung tawagin sa Katagalugan, ang turmeric ay paborito ring sangkap sa mga lutuin sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa Asya at ito ang nagbibigay ng dilaw na kulay sa curry.

Marami umano itong benepisyong pangkalusugan at sinasabing tumutulong magpagaling ng rayuma, pamamaga, nagpapabagal sa pagtanda, at iba pa.

Pero ano kaya ang resulta kung gagamitin mo ito sa pusa?

Sa Thailand, isang babae, si Thammapa Supamas, ang sumubok  gamutin ang fungal infection ng kayang alagang pusa sa pamamagitan ng turmeric.

Gamit ang lumang toothbrush, ipinahid ni Thammapa ang turmeric sa mabalahibong katawan ng pusa.

At ang resulta: ang dating busilak sa puting si muning ay naging dilawang pusa.

Matapos niya itong i-post sa social media, kaagad na sumikat ang alaga ni Thammapa.

At sa matingkad niyang dilaw na kulay, ilang netizens ang nagsabing kamukha na niya ang anime character na si Pikachu.

Gumaling naman kaya ang sakit sa balat ng dilawang muning? Hindi pa natin ito alam.

May isa pang hindi sigurado: Babalik pa ba ang dating kulay puting balahibo ni “Pikachu”?

Larawan mula sa Facebook account ni Thammapa Supamas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending