Rancho sa Bulacan hindi pag-aari ni Diether; ano nga kaya ang ikinabubuhay ngayon?
ANG daming nag-react sa naisulat namin dito tungkol sa buhay ngayon ni Diether Ocampo.
Ang tanong namin sa artikulong yun ay kung siya ba ang may-ari ng hacienda na may maraming kabayo na matatagpuan sa may Pulilan, Bulacan na tinawag niyang North Polo Club.
Nasulat namin nitong Biyernes na inilibot ni Diether ang kanyang Instagram followers sa nasabing rancho at isa-isang ipinakita ang magagandang kabayo.
Maririnig din sa video ang aktor habang binabati ang mga nakatira roon na posibleng mga caretaker sa lugar.
Mapapanood din sa IG video ang pagpapakain ni Diet ng mga damo sa mga kabayong nasa rancho bagay na pinuri ng netizens dahil hands on siya sa pag-aalaga sa mga alagang hayop.
May mga larawan din siyang ipinost na nakasakay siya sa kabayo.
Base sa mga kuwento sa amin ng mga nag-react ay hindi pag-aari ni Diether ang rancho kundi sa ilang kaibigan niya na inimbita siyang mamasyal doon.
At dahil nagustuhan ni Diet ang lugar kaya ang ending ay pabalik-balik na siya roon para magbakasyon at makapag-relax.
“He doesn’t own those horses talaga, he has new friends from The Polo Club and he gets invited to visit their ranchos,” saktong sabi sa amin ng source.
Hmmm, baka naman siya ang nagma-manage ng nasabing rancho kaya siya madalas doon at siya rin mismo ang nagpapakain at nag-aalaga sa mga ito?
Posible naman dahil sa ngayon ay hindi na aktibo si Diether sa showbiz kaya ano ang source of income niya? Wala rin kaming alam na may negosyo siya ngayon.
Anyway, sana nga mabasa ni Diet ang sinulat naming ito para magkuwento siya kung ano ang totoo sa rancho na tinawag niyang “buhay Pulilan, Bulacan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.