Sarah Balabagan pinatawad na ng misis ni Igan: It's God's will para maitama ang dapat itama | Bandera

Sarah Balabagan pinatawad na ng misis ni Igan: It’s God’s will para maitama ang dapat itama

Ervin Santiago - August 24, 2020 - 04:06 PM

HOT na hot ngayon ang ginawang pag-amin ni Sarah Balabagan na si Arnold Clavio ang tunay na ama ng panganay niyang anak.

Trending ang mga pasabog sa Facebook Live ng dating OFW na nakulong noon sa United Arab Emirates dahil sa kasong murder.

Ayon kay Sarah, napakarami pa niyang kuwento tungkol sa nakaraan nila ng Kapuso broadcast journalist, pero ang mahalaga raw ngayon ay ang malaman ng publiko kung ano ang katotohanan.

Sa loob daw ng 22 taon ay nagawa niyang itago ang sikreto nila ni Igan pero aniya, wala talagang lihim na hindi nabubunyag — lalabas at lalabas ang katotohanan kahit ano pang gawing pagtatago.

Sa FB Live ng dating OFW na isa na ngayong devout Christian, sinabi niyang napatawad na niya si Arnold kahit napakahirap nitong gawin dahil sa mga nangyari sa kanila.

Ibinahagi rin ni Sarah sa madlang pipol na mismong ang asawa pa raw ni Igan ang nag-reach out sa kanya para sabihing napatawad na siya nito.

“Saludo ako sa maybahay ni Arnold dahil pinatawad niya ang kanyang mister at ang asawa rin niya ang nag-reach out sa akin at sinabi niya, nag-message siya sa akin ng, ‘Sarah, I forgive you!’” pahayag pa niya.
Dito muling nag-sorry si Sarah sa asawa at pamilya ni Igan, pati na rin sa sarili niyang family dahil sa lahat ng mga nangyari.
Nilinaw din niya na wala siyang intensiyong makasakit o manira ng kahit sino sa ginawa niyang pagsasalita. Nais lang talaga niyang itama ang lahat para na rin sa sarili niya at lahat ng taong involved sa isyu.

“May mga nagtatanong sa akin, ‘Galit ka ba du’n sa nag-post (tungkol sa anak nila ninArnold)? Ang sabi ko nga, ‘Hindi po. It’s God’s will para maitama ko na ‘yung mga dapat itama,'” paliwanag ni Sarah.

Sa isang ulat, nabanggit na naka-base na ngayon si Sarah sa Las Vegas kasama ang kanyang asawa at mga anak.

Bukod sa kanyang trabaho roon, tumutulong din siya sa mga kapwa immigrants na nagiging biktima human trafficking.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending