Pagkanta ni Ellen inokray ng basher: Parang lasheng ang peg! | Bandera

Pagkanta ni Ellen inokray ng basher: Parang lasheng ang peg!

Ervin Santiago - August 23, 2020 - 02:12 PM

 

 

BINASAG ng isang basher ang trip ng dating sexy star na si Ellen Adarna!

Nilait ng netizen ang pagkanta ng ex-partner ni John Lloyd Cruz sa isang video na ipinost nito sa social media.

Mapapanood sa Instagram account ni Ellen ang nasabing video kung saan kinakanta nito ang “Yellow” ng sikat na bandang Coldplay.

Sa comment section mh post, isang follower ng aktres ang walang patumanggang nagsabi na, “Goshhhh wala nman ako naintindihan sa kinanta mo! Parang lasheng ang peg!”

Hindi naman ito basta pinalampas ni Ellen at talagang pinatulan ang basher.

Aniya, “So [whose] problem is it kung wala kang na comprehend?

“Don’t worry dai, the universe will adjust itself for you, so you will be able to understand everything that is confusing you,” dagdag pa niya.

Nitong mga nakaraang buwan, naging active na si Ellen sa social media. Panay na ang post niya ng mga kaganapan sa buhay niya mula nang maghiwalay sila ni John Lloyd.

Bukod sa mga paandar na pagtugtog ng piano, ibinabahagi rin niya ang kanyang fitness journey sa mga netizens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga pa-Q&A session din siya minsan sa Instagram Stories kung saan game na game niyang sinasagot ang mga maintrigang tanong ng kanyang followers.

Hindi na rin ipinagdadamot ngayon ng former sexy star sa publiko ang anak nila ni Lloydie na si Elias dahil ilang litrato na rin nila ang isine-share niya sa socmed.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending