4.6 lindol tumama sa karagatan ng Davao Oriental
Karlos Bautista - Bandera August 21, 2020 - 10:05 PM
Isang 4.6 magnitude na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa Davao Oriental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naganap ang pagyanig 8:32 ng gabi ngayong Biyernes.
May sentro itong 148 kilometro sa timog-silangan ng bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental at may lalim na 131 kilometro.
Walang naiulat na nasaktan sa pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending