Seksing katawan ni JODI para lang kay JOLO, ayaw mag-pose sa MEN’S MAGAZINE
VERY happy si Jodi Sta. Maria sa renewal ng contract niya bilang endorser ulit ng Cosmo Body slimming products. Patunay lang na tuloy-tuloy ang pag-ulan ng blessing kay Jodi.
Magsu-shoot na rin daw sila para sa movie version ng teleserye nila na “Be Careful With My Heart” bilang official entry ng Star Cinema sa 2013 Metro Manila Film Festival.
Sa billboard niya para sa nasabing endorsement, lutang ang kaseksihan ni Jodi kahit kalahati lang ng katawan niya ang na-sight na nakasuot ng bathing suit.
“Nagulat nga ako pagdating ko sa shoot biglang may bathing suit. Sabi ko, ‘Siguro nandoon na. Ano bang gagawin ko?’ Nahiya naman ako pero they made sure na hindi naman masyadong malaswa ‘yung dating,” lahad niya.
Dalawang beses pa lang daw niya nagawa ang magsuot ng bathing suit sa pictorial. Sa isang glossy magazine at dito nga sa bago niyang proyekto. Hindi naman daw kasi for public viewing ang body niya.
Biniro na lang namin si Jodi na for Vice-Governor Jolo Revilla’s eyes lang ang sexy body niya ngayon. “Ganoon? Hahaha! Kayo talaga!” tawang tugon ng mommy ni Thirdy.
Kita naman sa mukha ni Jodi na napapasaya siya ni Jolo, “Basta we support each other at nirerespeto namin kung ano ang ginagawa niya, kung ano ang ginagawa ko. Ganoon lang,” aniya.
Ayon pa kay Jodi, opposite poles attract ang dahilan kung bakit sila pa rin ni Jolo hanggang ngayon. Dagdag pa niya, nakita na rin daw ni Jolo ang billboard niya na naka-bathing suit pati na ang anak niyang si Thirdy sa ex-hubby na si Pampi Lacson.
“Syempre. Sabi niya (Thirdy), ‘Oh, wow, Mommy, you’re so sexy.’ Alam mo naman syempre na happy ako na proud sa akin ‘yung anak ko. ‘Yung mga ginagawa ko proud ang anak ko.
Sa akin napakaimportante ‘yun that I make my son proud,” diin niya. Ang $64 question nga raw ay kung sa tingin ni Jodi ay forever na sila ni Jolo.
Sagot niya, “E, syempre gusto naman natin ‘yung happiness natin pang-matagalan. Sino ba naman ang may gustong maging malungkot?”
If ever, magkakaroon ba ng pre-nuptial agreement sa kanila ni Jolo before their wedding? “Ako, honestly, I think wala namang problema, e. Kasi ako, single mom ako.
So, I have to protect syempre ‘yung best interest ng anak ko.” No comment naman si Jodi tungkol sa annulment case ng kasal niya kay Pampi.
Pero inamin niya na gustong mag-artista ni Thirdy, “Hindi ko ikakaila na ang anak ko talaga ay performer siya. Nakita ko ‘yun noong panahon na magsu-shoot kami ng commercial.
He knows what he is doing. Pero hindi namin priority ang showbusiness. Kasi ang priority namin ay ang pag-aaral niya. Makatapos siya ng pag-aaral,” diin ni Jodi.
Sa ngayon, product endorsements daw muna si Thirdy. At dahil sa endorsements na ‘yan kaya may savings na si Thirdy, “Oo naman, syempre. Kung ano ‘yung sa kanya, sa kanya ‘yun. Pinagtrabahuan niya ‘yon.”
At a very young age, pwede nang masabi na milyonaryo na si Thirdy, “For all you know mas mayaman pa ‘yung anak ko kesa sa akin. Ha-hahaha!”
Tungkol naman kay Pampi, hindi na raw sila nagkikita. Pero hindi naman nag-iiwasan, “Kumbaga, unang-una, kung may chance man kami na mag-usap, tungkol naman ‘yun sa bata.
And it’s only right na maging civil kami for Thirdy. Nag-uusap pa rin naman kami para kay Thirdy.” Samantala, magkasundo raw si Thirdy at ang unico hijo rin ni Jolo na si Gab.
Tita Jodi ang tawag sa kanya ni Gab. Habang Tito Jolo ang tawag ni Thirdy sa boyfriend ng mommy niya, “Well, halos pareho sila ng gusto, e. Kumbaga, they collect the same things.
And then, pareho pa sila ng school na pinapasukan,” kwento pa ni Jodi. Perfect na nga ang lahat kina Jodi at Jolo. Kasal na lang ang kulang, “Hindi pa, may annulmnent pa, e.
And you know, we’re trying to make all things slow. There’s no need to rush naman, e,” punto pa ni Jodi.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.