4 na tindahang nagbebenta ng produktong may tatak na ‘Manila, province of China,’ ipinasara
Ipinasara ni Mayor Isko Moreno ngayong Huwebes ang apat na stalls sa isang mall sa Binondo na nagbebenta ng mga produktong may label na nagsasabing probinsya ng China ang Lungsod ng Maynila.
Personal na tumungo sa mga stalls si Levi Facundo, pinuno ng Manila City’s Bureau of Permit, para ikandado ang naturang mga tindahan.
Isang importer ng hair treatment product, ang Elegant Fumes Beauty Products Inc., ang nagbebenta ng Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair. Inilagay nito sa label ng produkto ang kanyang business address na 707 Santo Cristo Binondo, Manila Province, P.R. China, o People’s Republic of China.
Sinabi ni Facundo sa Facebook Live na isa itong malaking insulto sa mga mamamayan ng Maynila, ang capital ng Pilipinas.
“Iyon ay misrepresentation. Wala pong Binondo sa China. Ang Binondo ay nasa Maynila. Malaking insulto po yun,” ani Facundo.
Nauna nang nanawagan si Puwersa ng Bayaning Atleta Party-list Rep. Jericho Nograles na imbistigahan ang naturang insidente na aniya ay mukhang sinadya ng Chinese manufacturer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.