Chinese product, nakalagay ang Maynila na probinsya ng China; kongresista galit na galit | Bandera

Chinese product, nakalagay ang Maynila na probinsya ng China; kongresista galit na galit

Karlos Bautista - August 20, 2020 - 04:05 PM

Si PBA Representative Jericho Nograles habang hawak ang isang hair treatment product na ang distributor ay may address na Manila Province, P.R. China.

Maynila, probinsya na daw ng China?

Galit ang isang kongresista matapos na ang isang distributor sa Binondo ay maglagay ng kanyang address sa ibinebentang hair care product na Manila Province, P.R. China (People’s Republic of China).

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles, dapat imbistigahan ang insidenteng ito at maparusahan ang manufaturer at importer ng hair treatment product na may pangalang Ashley Shine Keratin Treatment Deep Repair.

Nakalista bilang local distributor ang Elegant Fumes Beauty Products Inc.

“Mahirap sabihing isa lamang simpleng pagkakamali ang insultong ito,” ayon kay Nograles. “Malinaw na nakalagay sa label na ang Maynila ay probinsya ng China.”

“Dapat na maimbistigahan ang insidenteng ito at the very least, at ang  manufacturer at importer ay kailangang ma-blacklist, as soon as legally permitted,” wika pa ng mambabatas.

Ganundin, sinabi niya na mahalagang magpasa ng batas ang Konggreso na nagpaparusa sa mislabeling ng mga consumer products.

Sumulat din si Nograles sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Food and Drugs Administration (FDA) para ireklamo ang kumpanyang nagbebenta ng produktong ito sa bansa.

Sinabi niya na dapat ipahinto ang pagbebenta ng mga produkto ng Elegant Fumes dahil sa ginawa nitong pagyurak sa soberenya ng Pilipinas.

“Any act to undermine our sovereignty must be taken seriously. It is in this light that we respectfully ask your Office to immediately investigate this detestable and repulsive offense against our nation, and, if legally justified, prohibit the continued distribution of these products in our country,” wika ni Nograles.

Sinabi niya na sa impormasyong nakalap ng kanyang opisina, ang kontrobersyal na produkto ay ginawa noon 2018 pero ibinebenta pa hanggang sa kasalukuyan sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending