Willie sa P5-M ayuda sa jeepney drivers: Kung anong meron ako, galing din po sa inyo iyan | Bandera

Willie sa P5-M ayuda sa jeepney drivers: Kung anong meron ako, galing din po sa inyo iyan

Reggee Bonoan - August 20, 2020 - 09:13 AM

SA wakas naipamahagi na ni Willie Revilame ang limang milyong pisong ipinangakong tulong sa mga jeepney driver na nawalan ng kita.

Ito’y dahil nga sa muling paghinto ng kanilang pamamasada sa panahon ng modified enhanced community quarantine.

Ayon sa Wowowin host, gusto niyang i-share ang kung anong meron siya dahil ang tinatamasa niyang karangyaan ngayon ay galing din sa masa.

Aniya, “Sa bawat success ko, sa bawat baytang ng buhay ko, hindi ko makakalimutan ‘yung masa, ‘yung mahihirap. Inangat ninyo ako. Kung anong meron ako, galing din po sa inyo iyan.”

Nitong Miyerkoles ng tanghali, Agosto 19 ay nagtungo sa Central Office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Willie kung saan nakaharap niya ang iba’t ibang lider ng bawa’t grupo ng  jeepney drivers

Doon niya ibinigay ang pangakong P5 milyong ayuda para sa mga tsuper mula sa iba’t ibang grupo na namamasada sa Metro Manila at karatig probinsya.

Tumanggap ng P1,449,500 ang Pasang Masda sa pamumuno ni Ka Obet Martin habang P1,132.500 naman ang nakuha ng grupong ALTODAP sa pamamagitan ng leader nilang si Boy Vargas.

May isang grupo naman ng jeepney drivers ang nakakuha ng P342,000 at P298,500 para sa mga drayber na may rutang Tandang Sora, Visayas Avenue.

Ayon pa sa kuwento sa amin,  namigay din ang TV host ng dalawang libong sakong bigas at jacket sa mga driver na nasa LTFRB Central Office.

Base naman sa report ng LTFRB ay umabot sa 3,211 jeepney drivers ang makikinabang sa tulong na ipinamigay ni Willie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At dahil hindi naman lahat ay nakatanggap kaya may second batch ang pamimigay ni Willie ng ayuda.

 Sinabi rin ng TV host-comedian na simula pa lang ito ng kanyang pagtulong sa mga driver. Naghahanap na siya ng iba pang paraan para makakuha ng karagdagang pondo na maibabahagi sa mga tsuper.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending