Asawa ni Solenn may tips sa mga astig na mister para iwas-away kay misis
SIGURADONG maraming natututunang tips ang mga “tigasing mister” sa asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.
Patok na patok ngayon sa social media ang paandar ng Argentine hunk dad na “Bullied Husband Club Manual.”
Ito kanyang ang mga practical advice at tips para sa mga tulad niyang astiging mister na pilit iniintindi ang mga mood swing ng kanilang mga misis.
Ang latest vlog ni Nico na tumatalakay sa pag-intindi sa pinagdaraanan ni misis ay bentang-benta na naman sa madlang pipol.
Mapapanood sa video clip si Solenn na tila busy sa pagba-vlog at nagbibigay ng payo tungkol sa importance ng communication sa mag-asawa.
Ngunit bigla na lang itong na-bad trip at nagkunwaring inaantok na nang bigla siyang kinausap ni Nico at tanungin kung meron ba silang problema.
“I said nothing! Good night!” ani Solenn na sinagot naman ni Nico ng, “But it’s 7 a.m..” Nagpapaliwanag pa siya pero binanatan uli siya ni misis ng, “Good night.”
Sa caption ng video, ito ang nasabi ni Nico, “Article 46 of the “#BulliedHusbandClub Manual. Communicating is key for a successful marriage, as long as our #Wifezillas feel like talking, otherwise step back, give her space and wait till she is ready to talk.
“If you push for it, asking her what is wrong more than 3 times, you might end up in one of those discussions that we need to try to avoid at all costs, see Article 36 of the Manual,” dugtong pa niya.
Narito naman ang mensahe ni Nico sa mga tulad niyang “bullied husbands”, “Marriage is like a road trip that you both take and enjoy together; where she chooses the car, the destination, how many pee stops, the music, the food, the speed, the type of gasoline, the air in the tires and the topics of conversation if we are allowed to talk.
“Bonus Track: if she says ‘Good Night’ you say ‘Good Night’ full stop,” hirit pa ng vlogger.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.