Korina sa paglipat daw sa TV5: Abangan ang susunod na kabanata | Bandera

Korina sa paglipat daw sa TV5: Abangan ang susunod na kabanata

Ervin Santiago - August 18, 2020 - 09:26 AM

 

HINIHINTAY ngayon ng madlang pipol ang announcement ni Korina Sanchez tungkol sa chika na lilipat na siya ng TV network.

May mga nagsasabi na baka raw sa TV5 na siya mapanood sa mga susunod na araw pero meron ding nagkomento na posible rin namang sa GMA na siya mapanood ng publiko.

Ngunit ilang netizens naman ang nag-comment na imposibleng lumipat si Korina sa GMA 7 dahil baka raw hindi ito magustuhan ni Jessica Soho.

Ang dalawang award-winning broadcast journalist ang matagal na naging magkalaban tuwing Linggo dahil sa kani-kanilang programa — ang “Kapuso Mo, Jessica Soho” at “Rated K.”

Kamakailan ay kinumpirma ni Korina na aalis na siya sa ABS-CBN makalipas ang mahigit tatlong dekadang pagtatrabaho sa network.

Sinagot ng TV host ang tanong ng isang netizen sa comment section ng isa niyang Instagram post kung lilisanin na ba talaga niya ang ABS-CBN.

“Is that true? Iiwan mo na po ang ABS-CBN?” ang tanong ng IG user na sinagot ng veteran broadcast journalist ng  “Nawala na ang prangkisa eh.”

Kamakailan ay sinagot din ni Korina ang tanong ng isa niyang follower kung sa TV5 na ba siya mapapanood.

“Ma’am totoo bang nakikipagnegosasyon kayo sa TV 5? Isa po ako sa malulungkot, kung totoo yan. Isa po kasi kayo sa mukha ng ABS-CBN,” sabi ng netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani Korina, “Abangan ang susunod na kabanata. Salamat sa pagmamahal.”

Sa ngayon, napapanood pa rin ang kanyang “Rated K” sa Facebook.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending