Bugoy Drilon: Alam ko sa puso ko, wala akong ginawang mali | Bandera

Bugoy Drilon: Alam ko sa puso ko, wala akong ginawang mali

- August 14, 2020 - 12:19 PM

Bugoy Drilon

Bugoy Drilon

 

MALINIS ang kunsensiya ng Kapamilya singer na si Bugoy Drilon — never niyang tinraydor o pinagsalitaan ng masama ang ABS-CBN.

Nadamay ang binatang singer sa galit ng madlang pipol nang masangkot ang kaibigan niyang si Daryl Ong sa kontrobersya at sa pagkaka-ban dito sa ABS-CBN.

Nag-ugat ang issue nang kumalat ang chika na nakapagsalita si Daryl Ong nang hindi maganda sa Kapamilya network habang nasa airport sila ni Bugoy tungkol sa franchise renewal ng istasyon.

Ani Bugoy sa isang panayam, “Ayaw ko na nga po sana pag-usapan ang issue na ‘to kasi I’m at peace naman po sa puso ko.”

“Ganito po ‘yun. Gusto ko ilagay ninyo ang shoes n’yo on my shoes. May kaibigan ka, nag-uusap kayo. Siyempre, hindi naman pwedeng hindi magsalita kasi you’re part of the conversation.

“Ang sinabi ko lang po doon talaga, kasi that time, nagkakaroon sila ng sign petition, ‘di po ba? Na one million signatures for that petition,” paliwanag ng binata.

Ayon pa kay Bugoy, totoong may isang babaeng nagpakilalang road manager na nakipag-usap sa kanila ni Daryl that time.

“Ang sabi sa akin ng isang RM. Hindi siya part ng Star Magic, pero nag-a-RM-RM siya sa isang artista po. And then, doon na siya nag-banter si ate girl na ‘Bakit hindi ka mag-invest sa ABS kasi medyo down sila?

“And then, doon na siya (Daryl) magsabi ng ‘Sa tingin mo ba mare-renew ‘yung franchise ng ABS-CBN?’ And ang sagot ko, ‘I think, yes.’

“Kasi nakita ko sa Facebook, I think, kulang na lang sila ng 60,000 sa one million signatures. ‘I think, yes, mare-renew sila.’ ‘Yun lang ang sinabi ko sa conversation. So, I can’t say sa side ni Daryl kasi sinabi na po niya ang side niya,” aniya pa.

Diin ni Bugoy, “I know in my heart wala akong ginawa. Alam ko po ‘yung gratitude, ‘yung utang na loob ko sa mother network ko. Kasi mother network ko po ‘yun.”

Kumusta naman ang relasyon nila ni Daryl? “We’re okay po. Going strong pa rin ang friendship bamin. Because at the end of the day po, we are trying to entertain the people. And at the end of the day, ‘yung music po, I want to share my music.”

“I feel sad po because, at the end of the day, bali-baligtarin man po natin ang mga pangyayari, ABS-CBN helped me kung anuman meron ako. And I’m forever grateful po sa kanila.

“Kasi, hindi ko naman maa-achieve ang ganitong sitwasyon ko, ganitong status ko, because sila naman po talaga ang tumulong sa akin.

“Actually, I’m sad po sa mga nakatrabaho ko sa ABS-CBN na there’s a point na hindi ko na sila makita. They don’t have work. So I’m sad and sympathize po sa kanila,” lahad ni Bugoy.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending