Andi sa tunay na kaligayahan: Ang hirap ng mga pinagdaanan ko bago ko ito mahanap
“HINDI hinahanap ang tunay na kaligayahan, kusa itong dumarating.”
Yan ang paniniwala ni Andi Eigenmann na natagpuan na ang matagal nang hinahanap sa simpleng buhay niya sa Siargao kasama ang pamilya.
Maligaya na ngayon si Andi sa piling ng kanyang partner, ang surfing champion at instructor na si Philmar Alipayo kasama ang kanilang anak.
Ayon kay Andi, iba’t iba ang kahulugan ng bawat isa sa atin ng tunay na kaligayahan, depende sa kung ano ang nais ng ating mga puso.
“Para sa akin, matuto ka talaga na mahalin ang sarili mo. Kilalanin ‘yung sarili mo, bigyan ng oras ‘yung sarili mo.
“Once you know who you are and what you want for yourself, it’s so much easier to find that happiness or to achieve that happiness,” ani Andi sa chikahan nila ni Dimples Romana sa online show na #DimpsTips LIVE.
Aniya pa, “Kasi minsan tina-try mong hanapin, hindi mo mahanap or hindi siya realistic kasi ‘yung idea mo ng happiness is not really your own.
“‘Yung idea mo ng happiness is what you think it is but if you take a look at who you are, make time for yourself, get to know yourself, love yourself, you’re more sure of it. And it suddenly doesn’t becomes hard.
“You’ll suddenly realize na nandito na pala, hindi kailangang hanapin. Hindi lang ako tumitingin, nandito na pala. Kumbaga mali lang ‘yung direksiyon ko,” chika ng anak ni Jaclyn Jose.
Paliwanag pa niya, “I feel the reason why I’m happy and I’m staying happy is because I always make sure to remind myself that I’m here because this is what I want.
“Because ang layo, ang tagal at ang hirap ng mga pinagdaanan ko bago ko ito mahanap. So, magrereklamo pa ba ako? Like today is not a good day but it’s just today,” sey ng dating aktres na proud island girl na ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.