Kapamilya director, beauty queen-actress: Nganga pa rin kami ngayon! | Bandera

Kapamilya director, beauty queen-actress: Nganga pa rin kami ngayon!

Reggee Bonoan - August 13, 2020 - 03:33 PM

NOONG Marso 25 pa ipinalabas ang ay iWant original series na “Fluid” na pinagbidahan ni Roxanne Barcelo at ni Binibining Pilipinas Globe 2015 Ann Colis.

Pero hanggang ngayon ay nakababasa pa rin kami ng magagandang feedback mula sa panayam namin sa dalawa na naka-post sa aming YouTube channel.

Gandang-ganda ang mga nakapanood sa love story nina George (Ann) at Mitch (Roxanne) at ang napakahusay daw umarte ng dating beauty queen.

Sa 4-part series ng “Fluid” na idinirek ni Benedict Mique for iWant and line produced by Lonewolf Films ay marami ang nabitin dahil nga open-ended ito at nasabi rin ng direktor na puwedeng magtuloy pa ang istorya nina George at Mitch.

Bandang Abril ay nakatsikahan namin si direk Benedict at sinabi naming marami ng naghahanap ng part 2 ng “Fluid” at ang sabi niya ay puwede naman kaso si Ann ay naipit sa London dahil sa COVID-19 at hindi pa pwedeng bumiyahe.

At ngayong nasa Pilipinas na si Ann ay saka naman natigil ang lahat ng project ng iWant dahil sa nangyari sa ABS-CBN na hindi nabigyan ng bagong prangkisa ng Kongreso.

“Naku wala, stop ang iWant e, nganga nga kami ngayon,” say ni direk Benedict nang maka-chat namin kamakailan.

Si Ann naman ay naghahanap ng trabaho ngayon dito sa Pilipinas, “Oo nandito, naghahanap nga ng trabaho sabi ko wala pa, e, dahil ang ABS natuluyan na, baka bumalik daw muna siya London,” sabi pa ng direktor.

May trabaho ba si Ann sa London, balik tanong namin?

“Modeling din, may agent siya du’n. Last week nagkita pa kami, chikahan lang sa The Fort, nag-audition siya for modeling sa London,” sabi ni Direk.

Tinanong namin kung wala ba siyang planong gumawa ng BL o Boys’ Love series, sagot niya, “Halos lahat gumagawa na, eh.”

Sabi namin, balik-taping na ang serye nina Tony Labrusca at Julia Barretto na “Cara Y Cruz” mula sa RGE Drama Unit sa pamamahala ni Rizza “Mamu” Gonzales-Ebriega.

Humanga si direk Benedict dahil kahit may pandemya raw ay, “Ang tapang ng ABS, tuluy-tuloy pa rin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sana raw ay matapos na ang COVID-19 pandemic para bumalik na sa normal ang lahat at magkaroon na uli sila ng trabaho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending