Bitoy pumalag matapos sisihin sa paghina ng delivery business: May 6 na posibleng carrier ng virus
HUMINA raw ang kita ng delivery services mula nang sabihin ni Michael V na posibleng isa ito sa dahilan kung bakit siya tinamaan ng COVID-19.
Isang netizen ang nagkomento na malaki ang epekto ng naging pahayag ni Bitoy sa mga may delivery business, sa katunayan daw biglang nabawasan ang kita ng ilang online sellers.
Sa latest vlog na in-upload ni Bitoy, sinagot niya ang ilang tanong ng kanyang YouTube subscribers, kabilang na nga ang tungkol sa isyu ng delivery service kung saan niya posibleng nakuha ang virus.
“Saan niyo po posibilidad na nakuha yung virus sa item ba na denilever o sa rider na nagdeliver,” usisa ng netizen.
“Affected lahat ng deliveries kasi po napalabas po siya in national television.
“Irekta niyo nalang po yung sagot wag na madaming masikotsikot kasi madami naguguluhan. Humina din po kasi yung mga deliveries dahil sa mga naging pahayag ninyo,” aniya.
Paglilinaw pa ng Kapuso comedian, “Sabi ko, ang duda ko, duda, ah, hindi factual, puwedeng tama, puwedeng mali, ang duda ko ay sa deliveries ko nakuha yung virus.
“Isipin nyo, bago umabot sa akin yung inoder ko, nanggaling ‘yan, una, sa seller. Pangalawa, sa logistics facility.
“Pangatlo, du’n sa mismong nagde-deliver. Pang-apat, sa guard sa lobby. Panglima, sa kasambahay namin. At pang-anim, du’n sa mismong item.”
Patuloy pa niya, “Lahat ‘yan puwedeng mangyari in 24 hours. At lahat nu’ng anim na binanggit ko, posibleng carrier ng virus, e.
“Kaya yung buong proseso ng delivery, yun ang pinagdududahan ko, at hindi isang tao lang. At FYI, hanggang ngayon nagpapa-deliver pa rin ako,” lahad ni Bitoy.
“Pero ang suggestion ko, bago niyo gamitin o hawakan yung inorder niyo, siguruhin niyo munang malinis at walang virus.
“Ang ganda nga nu’ng suggestion ko, minasama pa nu’ng iba. Palagay ko, palagay lang, ah, palagay, ang sinasabi mong double meaning, e, nanggagaling du’n sa mga taong mahilig magbigay ng malisya du’n sa mga nababasa o naririnig nila.
“Importante rin, bukod sa pagbasa, unawain mo at intindihin mo yung binasa mo para hindi ka ma-bash. Tapos hindi ka mapilitang magpalit ng account,” pahayag ni Bitoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.