KIM CHIU sunod-sunod ang swerte sa buhay; MAJA SALVADOR nakarma? | Bandera

KIM CHIU sunod-sunod ang swerte sa buhay; MAJA SALVADOR nakarma?

Ervin Santiago - August 21, 2013 - 03:00 AM


Halatang happy na ngayon si Kim Chiu sa kanyang personal na buhay at feeling namin, totoong naka-move on na siya kay Gerald Anderson.

Fresh na fresh at ang ganda-ganda ng aura ngayon ng aktres kapag napapanood namin sa morning show ni Kris Aquino na Kris TV sa ABS-CBN.

Kung noong kasagsagan ng issue sa kanila ni Gerald at sa ex-bestfriend niyang si Maja Salvador, ay ramdam na ramdam mo ang pagiging bitter niya, ngayon ay napakaganda na ng bukas ng kanyang mukha.

In fairness, tuluy-tuloy ang swerte ngayon ni Kim, after ng successful serye nila nila Maja na Ina Kapatid Anak, blockbuster hit din ang movie nila ni Xian Lim na “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo”.

Bukod pa ‘yan sa pagiging suki niya as guest co-host sa Kris TV. Ibig sabihin, dahil sa pagiging positive ng aktres sa kabila ng pagkabigo niya sa pag-ibig at sa pagkasira ng friendship nila ni Maja, inuulan pa rin siya ng blessings, kaya siguro naisip ni Kim na bakit siya magpapakabaliw sa lalaki gayung ang swerte-swerte niya sa career. E, si Maja, kumusta na kaya? May balita kayo sa kanya?

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending