Dating mambabatas kinuwestiyon ang kidnapping case laban sa kanya | Bandera

Dating mambabatas kinuwestiyon ang kidnapping case laban sa kanya

Bandera at Radyo Inquirer , |August 12,2020
facebook
share this

Dating mambabatas kinuwestiyon ang kidnapping case laban sa kanya

Bandera at Radyo Inquirer - , August 12, 2020 - 05:08 PM

Kinuwestiyon ng kampo ni dating mambabatas Seth Frederick “Bullet” Jalosjos ang kidnapping case laban sa kanya.

Si Jalosjos at ang kanyang pinsang si Allan ay may warrant of arrest sa pagdukot umano kay Rosita Jalosjos, tiyahin ni Bullet, ina ni Allan.

Unang isinampa ang kaso noong Marso ng 2019.

Humarap sa piskal si Rosita para sabihing hindi siya nakidnap ng kanyang anak at pamangkin.

Matapos ang apat na buwan ito ay ibinasura ng piskal ngunit Setyembre ng 2019, ito ay na refile.

Sa statement ng kanyang abogadong si Atty. Stephen Casculan, iginiit ng kampo ni Jalosjos na pulitika ang nasa likod ng pagsusulong ng kaso.

“Maraming nakabangga ang dating mambabatas lalo na yaong mga nasa likod ng illegal drugs sa Zamboanga Del Norte,” ayon kay Casculan.

Naghain na ng urgent motion to dismiss sa Department of Justice ang kampo ni Jalosjos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending