Alessandra takot pa rin bumalik sa trabaho; nagbenta ng sasakyan para maka-survive
PURO palabas pa rin ang pera mula sa bulsa ni Alessandra de Rossi dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik sa trabaho.
Istriktong sinunod ng aktres ang utos ng gobyerno na “stay at home” habang ipinatutupad ang lockdown sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.
Talagang hindi muna siya tumatanggap ng trabaho ngayon dahil takot siyang mahawa ng virus. Kaya naman para maka-survive pa siya sa pamdemya, ibinenta muna niya ang isang sasakyan para panggastos sa araw-araw.
“Nu’ng sinabing stay at home, tinotoo ko siya. And of course sa stay at home na ‘yon wala kang financial na papasok, it’s all palabas. Lahat ng projects tinatanggihan ko rin,” ayon kay Alex sa panayam ng GMA.
Marami na raw inayawang bagong proyekto ang aktres kahit miss na miss na niyang magtrabaho. Pero aniya, may priority niya ang kanyang kalusugan.
Pero aniya, bayaran na naman daw ng bills ngayong buwan kaya nagbenta siya ng sasakyan.
“Dalawa yung sasakyan ko. Binili ko lang yung isa pangrelyebo sa coding dahil nga kapag coding hindi ako lumalabas natatakot akong mahuli ng MMDA,” sey ni Alex.
Samantala, excited na raw ang award-winning actress na maging tita sa magiging anak ng ate niyang si Assunta de Rossi.
“Sobrang excited kami as in ‘yung mommy ko sa Italy namimili na ng mga baby clothes. Ang bilis ng mga pangyayari, ‘yung ganu’n.
“Pero nandu’n na rin ako sa…kapag nanganak siya I think I have to be there,” sey pa ng aktres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.