Mikael nagpaka-Pokemon sa panliligaw kay Megan: Mas conservative kasi ako | Bandera

Mikael nagpaka-Pokemon sa panliligaw kay Megan: Mas conservative kasi ako

Ervin Santiago - August 11, 2020 - 01:13 PM

 

ALAM n’yo ba na mas conservative pala si Mikael Daez pagdating sa ligawan kesa sa asawa niyang si Megan Young?

Sa latest episode ng #BehindRelationshipGoals podcast ng Kapuso couple, napag-usapan nila ang panahong nililigawan pa lang ni Mikael ang Kapuso beauty queen-actress.

Ayon sa “Love of my Life” actor, siya ang mas conservative pagdating sa courting habang si Megan ay aggressive at westernized ang pananaw tungkol dito.

Kuwento ni Mikael, “For Boneezy, it was very spontaneous, I mentioned this in a previous podcast already. It was my birthday and we had a good night out.

“We were in the parking lot and naramdaman ko na at that point like in my head and in my heart, I was like ‘Tanungin ko na ‘to. Feel ko lang ngayon eh.’

“And that was me coming out of my shell kasi at that time, very conservative ako, ‘di ba?” aniya.

“This was me evolving like a Pokemon. May super short, spontaneous speech ako na sinabi and I said ‘Will you be my girlfriend,'” dagdag pa ni Mikael.

Aminado naman si Megan na hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya ang kilig na naramdaman nu’ng araw na iyon.

* * *

Consistent talaga ang GMA Network sa pagiging top online news source sa bansa.

 

Ngayon nga na kung kailan karamihan sa mga Pinoy ay naka-quarantine sa bahay at mas maraming oras mag-internet, lalo pang umakyat ang dami ng nanonood ng video content ng GMA News sa Facebook at YouTube.

 

Ayon ito sa measurement ng Tubular Labs kung saan naging top online news video publisher ang GMA News sa Pilipinas at pasok din sa global ranking.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan din na ang Kapuso Network ang unang Philippine network na nakatanggap ng dalawang Diamond Creator Award mula sa YouTube dahil parehong lumagpas na sa 10million-subscriber mark ang GMA Network at GMA Public Affairs na YouTube channel.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending