Hiling ng jeepney driver kay Willie: idiretso na sa kanila ang P5-M ayuda para mabilis | Bandera

Hiling ng jeepney driver kay Willie: idiretso na sa kanila ang P5-M ayuda para mabilis

Reggee Bonoan |August 10,2020
facebook
share this

Hiling ng jeepney driver kay Willie: idiretso na sa kanila ang P5-M ayuda para mabilis

Reggee Bonoan - August 10, 2020 - 05:54 PM

HINDI nagustuhan ng isang reporter mula sa isang media outfit ang pag-anunsyo ni Willie Revillame na mamamahagi siya ng P5 million para sa mga drayber ng jeep na nawalan ulit ng pagkakakitaan dahil muling isinailalim sa MECQ ang Metro Manila.

Naganap ito sa press briefing na isinagawa ni Peesidential Spokesperson Harry Roque na ginanap sa isa sa kuwarto ng Wil Towers na pag-aari ng host ng “Wowowin.”

Ang titulo ng reporter sa nangyari, “Willie Revillame hijacks Roque press briefing to promote charity, GMA7 show.”

Bahagi pa ng isinulat ng reporter, “Revillame vows to give jeepney drivers P5 million and plugs in his show ‘Wowowin’ during a government press briefing.

Wala pang sagot si Willie tungkol dito.

Kung may mga hindi nagkagusto sa anunsyong ito ng “Wowowin” host ay marami naman ang natuwang jeepney driver sa magandang balitang ito ni Willie.

Ilang araw palang kasing pinayagang makabalik sa pamamasada ang mga jeep sa ilang ruta sa Metro Manila ay muli na namang pinahinto dahil sa MECQ base na rin sa kahilingan ng ating medical frontliners.

Nakiusap sila na bigyan ng timeout ang healthworkers para makapagpahinga dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

Kaya ang mga pobreng jeepney drivers ay balik sa pamamalimos sa lansangan para may pangtawid-gutom kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Naantig ang damdamin ni Willie sa balitang ito kaya siya nag-anunsyo na magbibigay ng P5 million cash assistance sa jeepney drivers at tig-P100,000 sa pamilya ng apat na OFWs na namatay sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Nang mapanood ito ng mga drayber ay tuwang-tuwa sila at sana raw ay hindi na ito ipadaan sa anumang ahensiya ng pamahalaan para mas mabilis nilang matatanggap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending