B-day hugot ni Robin kay Mariel: Lalo ka pang gumanda dahil sa pagiging mabuting asawa at ina | Bandera

B-day hugot ni Robin kay Mariel: Lalo ka pang gumanda dahil sa pagiging mabuting asawa at ina

Reggee Bonoan |August 10,2020
facebook
share this

B-day hugot ni Robin kay Mariel: Lalo ka pang gumanda dahil sa pagiging mabuting asawa at ina

Reggee Bonoan - August 10, 2020 - 01:42 PM

 

KAARAWAN ni Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo o mas kilala bilang si Mariel Rodriguez-Padilla na asawa ni Robin Padilla, siya’y 36 years old na.

Madamdamin ang pagbati ni Robin sa kanyang kabiyak na ipinost niya sa kanyang Instagram kalakip ang larawan ni Mariel noong sila’y magkatipan palang.

Aniya, “Maligayang araw ng kapanganakan sa iyo my babe. Isang taon na naman ang nakalipas at ang lahat ay nagsasabi na isang dekada kana sa akin pero ako lang ang hindi nakapansin ng haba ng ating pagsasama sa iyong itsura.

“Sapagkat magmula nong una natin na pagkikita hanggang sa oras na ito ay 26 pa rin ang tingin ko sa iyo. Walang nagbago kundi lalo pang gumanda dahil kumikinang ka sa iyong pagiging mabuting asawa at ina.”

Matatandaang nagkakilala at nagkalapit ang dalawa sa noontime show na “Wowowee” kung saan naging guest co-host si Robin. Nag-file kasi si Willie Revillame ng indefinite leave dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng ABS-CBN management.

Hindi naman bumaba ang ratings ng “Wowowee” dahil inaabangan na ng madlang pipol ang nakakakilig na ligawan nina Robin at Mariel hanggang sa naging opisyal na silang magkarelasyon.

Ang bilis ng mga pangyayari dahil buwan ng Agosto ay ikinasal na sina Robin at Mariel sa Taj Mahal India, (Agosto 19, 2010).

Dalawang taon nang hiwalay noon si Robin sa asawang si Liezl Sicangco pero maganda ang relasyon nila dahil sa mga anak nila. Nasa poder pa ng aktor noon sina Kylie at Ali dahil sina Queenie at Zhen ay nasa Australia na.

Nang mahiwalay si Robin kay Liezl ay nangako siya sa sariling hindi na mag-aasawa at ilalaan na lang ang natitirang mga taon ng buhay niya sa mga anak, pero hindi nangyari ito dahil nabighani nga siya kay Mariel.

Sa panayam kay Binoe noong Setyembre, 2010 sa ANC, “Wala po akong kaplano-planong umibig noong sumali ako sa Wowowee. Kaya lang ang nangyari, sa isang tingin, nahuli niya (Mariel) ako.

“Kaya po noong nagkaroon ng napakandang pangyayari sa Wowowee, hindi ko na po pinakawalan na magpakita ng pagmamahal kay Mariel at humantong na po sa puntong sinabi ko sa kanya iyong pangarap ko na sana makasama kita sa Taj Mahal.”

Wala raw alam si Mariel kung bakit siya pinasusunod ni Robin sa Taj Mahal at nagulat na lang siya dahil  ikakasal na pala sila roon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sampung taon nang kasal sina Robin at Mariel nitong 2020 bilang masayang pamilya kasama ang mga anak nilang sina Maria Isabella (4 years old) at Maria Gabriella (1 year old).

Mula sa BANDERA, maligayang kaarawan Mariel!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending