McCoy balik sa pag-aaral habang tengga sa trabaho: Mahirap pero walang imposible pag gusto | Bandera

McCoy balik sa pag-aaral habang tengga sa trabaho: Mahirap pero walang imposible pag gusto

Ervin Santiago - August 10, 2020 - 09:10 AM

 

NAKAHANAP ng tamang pagkakataon ang Kapamilya young actor na si McCoy de Leon para tuparin ang isa sa matagal na niyang pangarap.

Sinamantala ng Hashtag member ang pagkakataon na wala pang trabaho sa showbiz at nagdesisyong bumalik muna sa pag-aaral.

Dahil nga sa coronavirus pandemic, natigil ang lahat ng raket ni Mccoy sa pag-aartista kaya ang naisip niya ay muling mag-aral para hindi masayang ang kanyang oras.

Sa kanyang Instagram account, masayang ibinalita ng binata na kakaririn niya uli ang pangarap na makakuha ng college diploma makalipas ang halos walong taon.

“Mahirap dahil nakakapanibago ulit bumalik sa pag aaral pero walang imposible pag gusto.

“Yan na nga worth it ang hirap, sobrang saya ko lang. Hay thank you Lord,” ang caption ni McCoy sa litrato ng kanyang mga grades nitong nakaraang semester.

Sa isang panayam, sinabi ni McCoy na pangarap pa rin niyang makatapos ng pag-aaral kahit kumikita na siya sa pag-aartista.

“Gusto ko maging engineer. Kasi gusto ko gumawa ng bahay, mag-design ng bahay. Tapos yun, kasi dream din ng family ko magkaroon ng bahay na malaki,” ani McCoy.

Kung matatandaan, taong 2012 nang tumigil ang aktor sa pag-aaral. Kumukuha siya noon ng Civil Engineering sa Mapua University at nasa 3rd year college na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napasok siya bilang isa sa cast members ng seryeng “Be Careful with My Heart” nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Pagkatapos nito naging celebrity housemate rin siya sa “Pinoy Big Brother” noong 2016 hanggang sa magkasunud-sunod na ang kanyang proyekto sa ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending