Trillanes hinamon ni Robin: Puro ka reklamo, puro ka hamon...napalaban ka na ba talaga? | Bandera

Trillanes hinamon ni Robin: Puro ka reklamo, puro ka hamon…napalaban ka na ba talaga?

- August 09, 2020 - 05:01 PM

NAGKAINITAN sina Robin Padilla at dating senador Antonio Trillanes na nagsimula sa kontrobersyal na issue sa West Philippine Sea.

Nag-post si Robin sa Instagram ng mensahe na nananawagan sa madlang pipol na tigilan na ang pambabatikos sa Duterte administration sa halip ay tulungan na lang ang gobyerno sa paglaban sa pandemya.

Sabi ng action star, “Imbes na mabuhay at magising ka araw araw sa pagrereklamo at kakabatikos ABAY kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan. Hindi ito ang oras ng pamumulitika! Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo.”

Sinagot naman ito ni Trillanes sa Twitter, “Sbi ni Robin, mgtrabaho nlng dw at wg na mgreklamo. Ano? #1 na tyo sa pnkmraming covid cases sa SE Asia, hbang prang nglalaro lng si duterte at di alam ang gngawa. Bsta, isa ka sa salarin kung bkt nging presidente yang siraulong yan. Mlaking perwisyo ang dinulot nyo sa Pilipinas.”

Ito naman ang resbak ni Robin sa kanya, “Mr Trillanes, unang una wala akong sinabi na magtrabaho. pangalawa schoolmate sa Siena College Kung sa pagiging perwisyo sa Inangbayan ay nagunguna ka sa dami ng kudeta mo na lahat ay surrenderie ka naapektuhan lang ang economia ng Pilipinas kaya talo na naman ang taongbayan.

“Pero ikaw ay panalo dahil naging senador ka parang nagoyo mo lang ang ibang mga Pnoy sa personal mong agenda katulad ng ginagawa mo pa rin ngayon. Pakiusap wag mo ako idamay sa away ninyo sa Pulitika dahil hindi ako pulitiko at lalong hindi ako kandidato sa 2022 na katulad mo.

“Talagang outside the normal ang ginagawa ni PRRD dahil talagang kumakasa siya sa lahat ng pinaglilingkuran mo. Hindi ka lang napagbigyan ni mayor prrd na maging vice president candidate niya nag huramentado kana at parang kang bata na nagngangangawa.

“Puro batikos puro ka reklamo puro ka hamon dito hamon don napalaban kana ba talaga? Sinabi na ni pangulo na nagtake over na ang china sa south china sea/west philippine sea bakit hindi ka don magmatapang gusto mo samahan na kita para isang magdalo at may pag asa katipunero ang mag umpisa ng kabayanihan don.

“Mr trillanes pinili ko ang pagkapilipino ko at karapatan ko ang magsalita laban o pabor sa inyong mga pulitiko! Karapatan ko ang mamili ng aking susuportahan at lalabanan na pulitko. Hindi kita inaano o binabangga magmula ng hindi kana senador bilang respeto sa iyong pamilya kayat umayos ka rin,” banat pa ni Robin kay Trillanes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending