ABS-CBN director biglang naiyak sa online presscon: Hindi madali na pasanin ‘tong krus na ito... | Bandera

ABS-CBN director biglang naiyak sa online presscon: Hindi madali na pasanin ‘tong krus na ito…

Reggee Bonoan - August 09, 2020 - 04:05 PM

ISA kami sa naluha habang emosyonal na nagsasalita si Direk FM Reyes sa nakaraang virtual mediacon ng “Ang Sa Iyo Ay Akin” nitong Biyernes.

Ito’y dahil na rin sa mga pinagdaraanan nilang hirap sa taping bukod pa sa naiisip din nila ang mga katrabaho nilang natanggal sa ABS-CBN na resulta ng hindi pagbibigay ng bagong prangkisa ng Kongreso.

Natanong kasi ang direktor kung ano ang mga adjustment nila sa taping at pagbabago ng locations para sa new normal set-up bilang ang nasabing serye ang unang digital series na mapapanood sa Kapamilya Online Live na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Cazado, Sam Milby at Maricel Soriano.

“Unang-una, I accepted the story because I was invited of this group, very young group, all of the people in the JRB productions are people I respect their names in the industry.

‘’The first time I read the script, it’s so beautiful, it’s difficult to do but it’s so beautiful. And then when the pandemic came, number 1 doon ‘yung age requirement ng mga artistang puwedeng magtrabaho lang and the substantial part of the book ay kailangan namin ng mga bata, baby hanggang 7 years old, so kinailangang tanggalin ‘yung part na ‘yun.

“So, I was kind of devastated kasi parang feeling ko, ang ganda-ganda ng kuwento na iyon kailangan naming i-redo but they surprised me even better kasi pagbalik sa akin (script) after ng ilang brainstorming namin it became better.

“Kasi in the absence of the character of the children will bind both women and itong husband na nasa gitna. Sabi ko, it turned out like a French film na the center are the characters talaga.

“Kaya sabi ko you try to study and research, watch as much parang review of related literature as much as character study kasi hindi tayo puwedeng maglokohan sa set,” pahayag ng director.

“Alam nilang istrikto ako where the characters are coming from and of course it’s my first time to work with the Diamond Star and I know she doesn’t shortchange with her performance and yet I’m also a fan. I grew up with her movies, maliit palang ako napapanood ko na ‘yan.

“And ngayon, I have to challenge her also na how will you interpret this having done so many roles as a mother and at the same time, as a director also, it’s my first time to work with Jodi, nakatrabaho ko siya noong assistant director ako, but as a director, it’s my first time and so with Iza.
“Si Sam kasi parang baby ko na ‘yan kasi dati pa kasi after PBB, ako ‘yung una niyang show sa Maging Sino Ka Man (2006) ilang beses kaming nagtrabaho ni Sam so medyo comfortable na.

“Then, excited ako kasi first day of taping palang, nakita ko na, ‘ah matatalino ang mga ito’ magaling mag isip, clever kasi kapag may ibinigay kang isang bagay, lalo na yang si Maricel Soriano because you have to be very careful with her kasi if you give her, let her memorize the script, you thought it’s just a simple scene and after she does it, mamamangha ka, day 1 you will be moved by her performance,” dagdag pa ni Direk FM.

Nabanggit ding ito ang unang all-Filipino crew na nag-shoot sa ABS-CBN Soundstage facility sa Bulacan habang kainitan ang franchise issue sa Kongreso.

“This is all happening at the height of the franchise issue and then the pandemic. And now as you’ve mentioned, kami yung magtutuloy ng laban sa digital platform,” aniya pa.

Biglang napahinto sa pagsasalita si direk FM sabay sabing, “The fight is not just for us.”

At nangilid na ang mga luha sa mata niya, ‘’For the 11,000 people who lost their jobs. This is our little way of fighting for you.”

Hanggang sa humingi ng sorry ang direktor at sabay yuko, “I’m so thankful sa inyong lahat na um-attend dito dahil bilang miyembro ng mga press, you are our brothers and our sisters in this work, and malaki ang kinalaman ninyo sa naging success ng ABS noong umeere siya sa antenna/free TV.

“And so, I would like to thank you because nandito kayo bilang mga kapatid uli para tulungan kami para ituloy ‘yung kabuhayan namin.

“Hindi madali na papasanin namin lahat ‘tong krus na ito but it makes it easier knowing that if we make it well in this platform, we will be helping a lot of our co-workers to again have our jobs back.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapanood na ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa Kapamilya Channel na lumalabas sa cable, at sa Kapamilya Online Live na puwedeng mapanood sa Facebook page at YouTube channel ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending