Higit 10.3-M pamilya, napagkalooban ng ayuda sa 2nd tranche ng SAP
Napagkalooban na ng ayuda ang mahigit 10.3 milyong pamilya sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) .
Umabot na sa kabuuang 10,309,854 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.
Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang araw ng Sabado (August 8).
Dahil dito, tinatayang P66.9 bilyon na ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.
Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.