Ivana Alawi nag-topless matapos umabot sa 8-M ang YouTube subscribers | Bandera

Ivana Alawi nag-topless matapos umabot sa 8-M ang YouTube subscribers

Ervin Santiago |August 09,2020
facebook
share this

Ivana Alawi nag-topless matapos umabot sa 8-M ang YouTube subscribers

Ervin Santiago - August 09, 2020 - 01:21 PM

 

 

SIGURADONG pinagpipiyestahan na ngayon ng mga kalalakihan ang latest sexy pictorial ng actress-vlogger na si Ivana Alawi.

Ipinost ng Kapamilya sexy star ang kanyang topless photo sa Instagram kung saan kitang-kita ang kanyang kaseksihan at kakinisan.

Naka-itim na pants lang si Ivana sa litrato at sapu-sapo ng kanyang mga kamay ang kanyang boobs. Kuha ito ng celebrity photographer na si BJ Pascual.

Ang nasabing larawan ay “regalo” ni Ivana sa kanyang fans at social media followers kasabay ng pagdiriwang ng bago niyang achievement bilang isang YouTuber.

Yes, nagse-celebrate ngayon ang sexy vlogger dahil umabot na sa 8 million ang subscribers niya sa YouTube.

Mabilis niyang napataas ang bilang ng kanyang subscribers dahil talagang kinakarir niya ang bawat video na ina-upload niya para pasayahin at aliwin ang madlang pipol.

Nahabol na niya ang isa pang reyna ng YouTube na si Alex Gonzaga na may more than 8 million subscribers na rin ngayon.

Kung matatandaan, last June lang ng ibandera ni Ivana na may pitong milyong subscribers na siya sa YT at sa loob lamang ng halos dalawang buwan ay nadagdagan agad ito ng 1 milyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending