Tanong kay Sam: ‘For life’ na ba si Catriona?
‘’I do believe she’s the one!”
Ito ang diretsong sagot ni Sam Milby sa tanong kung ang girlfriend niyang si 2018 Miss Universe Catriona Gray na nga ba ang gusto niyang makasama for life.
Sa ginanap na virtual presscon ng bago niyang digital series na “Ang sa Iyo ay Akin”, sinabi ni Sam na nasa marrying age na siya at sa dating beauty queen niya gustong makipagpalitan ng “I do.”
‘’Siyempre may difference ang edad namin. Ako I’m 36 and she is 26 and kaka-start pa lang ng career niya so, it’s early (to tell) naman, but I believe she’s the one!’’ paliwanag ni Samuel Lloyd.
Natanong din ang binata kung ano ang gagawin o magiging reaksyon niya kung sakaling sabihan siya ng “The girl is mine” na hango sa awitin ni Michael Jackson.
May koneksyon din kasi ito sa titulo ng bago niyang serye na “Ang Sa Yo Ay Akin”.
Obviously, ang pinatutungkulan sa tanong ay ang ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad na balitang bitter pa rin sa break up nila ng dalaga.
‘”Kung akin talaga, ipaglalaban ko, if she’s really, I’ll fight for it!” diretsong sagot ng aktor.
Oo naman, ipinaglalaban naman talaga ni Sam ang taong mahal niya at nasaksihan na namin ang isa sa ex-girlfriend niya na noo’y nililigawan ng iba.
Pero dahil na rin sa LDR o long distance relationship sila noon kaya si girl ay napalapit nang husto sa lalaking nanliligaw sa kanya kaya bumitaw na rin ang aktor.
At sa nakikita naming kaso ngayon nina Sam at Catriona na sobrang mahal nila ang isa’t isa ay sigurado kami kahit saan makarating, ipaglalaban ng binata ang dalaga.
Speaking of “Ang Sa Iyo Ay Akin”, gagampanan ni Sam ang karakter na Gabriel Villarosa na pag-aagawan nina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado), kaya abangan ang journey ng tatlo.
At saan mauuwi ang plano ng paghihiganti ni Marissa kay Ellice? Patuloy pa kayang maipaglaban ni Ellice ang pagmamahal niya kay Gabriel kung tuluyan na itong makuha ni Marissa?
Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay mula sa direksyon nina FM Reyes at Avel Sunpongco mula sa produksyon ng JRB Creative Production na mapapanood na sa Agosto 17 pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.
https://bandera.inquirer.net/259680/clint-ayaw-tantanan-sina-catriona-at-sam-netizens-naghihintay-ng-matinding-pasabog
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.