Alden plano na ring mag-launch ng YouTube channel; nagpayo sa online gamers | Bandera

Alden plano na ring mag-launch ng YouTube channel; nagpayo sa online gamers

Ervin Santiago - August 07, 2020 - 02:30 PM

PLANO na ring mag-launch ng sarili niyang YouTube channel ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Dahil nga sa tinatawag na “new normal” dulot ng COVID-19 sa buong mundo, seryoso nang pinag-iisipan ng Kapuso Drama Prince ang pasukin na rin ang YouTube world.

Halos lahat ng sikat na celebrities ngayon ay may YT channel na kahit paano’y tuluy-tuloy lang ang bonding nila with their fans and at the same time maaari rin silang kumita rito.

“Yes. Nandu’n na tayo kasi sa new normal. So, we have to utilize all resources we can get to survive and also be more in touch with the supporters and fans na nandiyan,” chika ni Alden sa panayam ng GMA.

“May possibility in the months to come that I will be launching my YouTube channel,” dagdag ng binata.\

Samantala, tuloy naman ang pakikipag-bonding ni Alden sa ilang fans sa pamamagitan ng gaming at live streaming.

Ni-launch ni Alden ang kanyang AR Gaming sa Facebook last June, “I’ll be streaming all of my games here in my Facebook page. ‘Yung Alden Richards na verified page.”

Aniya pa, iba rin ang sayang naisudulot sa kanya ng paglalaro, “Ever since I was young, I was a gamer. Gamer na kami ng kuya ko so iba eh. Parang it’s a different world. Games are games. Kahit ano pa ang composition ng laro.”

Ano naman ang maipapayo niya sa mga kapwa gamers, “Perfect balance lang. Dapat balanse lang. Ako kaya lang naman ako bugbog sa online games gawa ng quarantine.

“Sa mga nasa bahay ngayon, stay safe, stay at home, manood ng stream. At gumawa ng makabuluhang bagay,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending