Hatol ni Vice sa katiwalian sa Philhealth: Parusahan ang mga magnanakaw! Ikulong! | Bandera

Hatol ni Vice sa katiwalian sa Philhealth: Parusahan ang mga magnanakaw! Ikulong!

Ervin Santiago |August 06,2020
facebook
share this

Hatol ni Vice sa katiwalian sa Philhealth: Parusahan ang mga magnanakaw! Ikulong!

Ervin Santiago - August 06, 2020 - 04:06 PM

“IKULONG! Pagdusahin!”

Yan ang sigaw ni Vice Ganda sa umano’y katiwaliang nangyayari sa Philippine Health Insurance Corporation.

Kalat na ang balita sa sinasabing pagwawaldas daw ng ilang opisyal ng ahensiya sa pondo na nakalaan sa publiko.

Idinaan sa Twitter ni Vice ang kanyang galit matapos bumandera ang resulta ng paunang imbestigasyon sa Senate Committee on the Whole sa issue ng PhilHealth.

Dito nabunyag ang umano’y P15 billion na naibulsa ng ilang opisyal ng ahensiya ng gobyerno.

Matindi ang hatol ni Vice sa mga mapatutunayang nagkasala at hindi raw dapat patawarin ang mga ito, as in walang awa-awa!

“Parusahan ang mga magnanakaw sa Philhealth. Ikulong! PAGDUSAHIN.

“Pakainin ng t*e ang mga fotaen*ng yan!

“Pagsama samahin ang lahat ng laway ng mga may sakit at ipainom sa kanila.

“Walang kompa-compassion sa mga demonyo! Mga ulul!” ang matapang at diretsong mensahe ni Vice.

Kung matatandaan, sa nakaraang Senate hearing ibinunyag ng dating PhilHealth anti-fraud legal officer na si Thorrsson Montes Keith ang tungkol sa “mafia” sa ahensiya na involved umano sa mga ilegal na transaksiyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending