Higit 10.22-M pamilya, tumanggap ng ayuda sa 2nd tranche ng SAP | Bandera

Higit 10.22-M pamilya, tumanggap ng ayuda sa 2nd tranche ng SAP

Bandera at Radyo Inquirer - , August 06, 2020 - 03:24 PM

Napagkalooban na ng ayuda ang mahigit 10.22 milyong pamilya sa ilalim ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) .

Umabot na sa kabuuang 10,223,307 pamilyang benepisyaryo na ang nakatanggap ng cash aid.

Ito ay batay sa datos ng Department of Social Welfare and Development hanggang 8:00, Miyerkules ng gabi (August 5).

Dahil dito, tinatayang P66.4 bilyon na ang nailabas ng DSWD para sa 2nd tranche ng SAP.

Sinabi pa ng kagawaran na tuloy pa rin ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga “waitlisted” o karagdagang mga pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending