Jake Zyrus: Masaktan ka kung masasaktan ka, umiyak ka, OK lang yun | Bandera

Jake Zyrus: Masaktan ka kung masasaktan ka, umiyak ka, OK lang yun

Ervin Santiago - August 06, 2020 - 09:31 AM

 

“WHEN I read negative comments and nasasaktan ako, mas dinadamdam ko ‘yung pain.”

Yan ang may pagkamasokistang pahayag ni Jake Zyrus tungkol sa pagharap niya sa mga kanegahan sa social media.

Aniya, talagang may pagkakataon na isa-isa niyang binabasa ang comments ng netizens about him at hinahayaan lang niya ang sarili na ma-hurt sa pamba-bash sa kanya.

“When I read negative comments and nasasaktan ako, mas dinadamdam ko ‘yung pain. Mas gusto ko na hindi ko siya iiwasan.

“Because the more na iniiwasan ko ‘yung effect na ginawa sa akin, the more na nag-i-stay siya sa mind ko. Hindi ako makatulog, the more na nagwo-worry ako,” lahad ni Jake sa panayam ng Monster RX 93.1.

Aniya pa, “For me, nagwo-work siya. For me, when I see a comment na magtri-trigger sa akin, what I do is I just spend some time alone. Kung malungkot ako, malungkot ako.”

Normal lang daw na makaramdam ng sakit, galit, panghihinayang at iba pang hindi okay na pakiramdam dahil tao lang tayo. Ang mahalaga, hindi mo pinepeke ang sarili mo.

“Para sa akin kasi, before you end up being strong, you have to fall down first.

“Sa akin is when someone hurts you really badly, whether sa comments iyan, emotionally, just get through it. Masaktan ka kung masasaktan ka, it’s okay. Umiyak ka.

“In my case, I get depressed. Pero naiisip ko, just get it all out. Make me sad. Sige malulungkot ako, masasaktan ako because I know that right after this, siya ‘yung bubuo ng strength mo,” sabi pa ni Jake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito naman ang payo niya sa mga taong dumadaan ngayon sa maritinding pagsubok ng buhay, “I guess my advice to everyone is when you get hurt, when you see something that will trigger you, hayaan mo siya.

“Hayaan mong saktan ka. It’s not being manhid or wala kang paki na nasaktan ka or nagiging martir ka. Tao lang tayo, masasaktan at masasaktan tayo kahit anong aspeto man sa buhay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending