outbrain

Angeline umaming may ‘special someone’ na: Mas bata sa akin ng 3 years

By Reggee Bonoan August 05,2020
share this

Angeline umaming may ‘special someone’ na: Mas bata sa akin ng 3 years

By Reggee Bonoan August 05,2020 - 02:17 PM

 

 

MAY boyfriend na nga ba si Angeline Quinto?

Ito ang tanong ng mga netizens nang makita ang larawan ng lalaking naka-side view sa Instagram account ng dalaga pitong araw na ang nakararaan.

Komento ni @cathymorisson, “Natatawa ako sa mga nag comment na dyowa, hindi ba pwedeng kaibigan o kamag anak. Ano ba guys?  Syempre e declare iyan ni Angge pag pwede namang i-share sa public ang love life nya. For now, chill lng tayo. Obviously hindi nya dyowa dahil hindi sila magkatabi.”

Pero nu’ng Hunyo 29 ay may larawang magkatabi sina Angeline at ang lalaki na pareho silang naka-peace sign.

At ang komento ng followers ng dalaga ay, “Siya ‘yung lalaking kasama sa tiktok.”

Anyway, tinanong namon nang diretso ang mang-aawit tungkol sa mystery guy at kung sino ba talaga ito sa buhay niya.

“Ah un po kaibigan q palang po special friend po,” sagot ni Angeline.

Gaano kaespesyal ang balik-tanong namin sa dalaga? “Well, special po in a way na everyday q cya nakakausap, kahit naman po hindi everyday magkasama dahil sa pandemic, nag uupdate naman po kami madalas sa isa’t isa.

“Pero hindi pa po cya nakikilala ng mama Bob. Hopefully po maging maayos na lahat, maipakilala q cya kay Mama,” pag-amin ni Angge.

Saan sila nagkakilala ng masuwerteng lalaking nakabihag sa kanyang puso at saan sila nagwo-work?

“Mejo matagal na po ate Reg cguro kung hindi po aq nagkakamali year 2012 or 2013 po.

“Nameet q po thru common friends din po. From Sampaloc, Manila po and alam q sa Okada po cya nag work ate Reg,” kuwento ni Angeline.

So, ngayon lang kayo naging special? Same age ba kayo? Di pa ba nagsara ang Okada?

“Opo sa Okada hindi pa naman po (nagsara) ate Reg. Pero hindi pa po lahat nakakapag work ulit,” sagot niya uli sa amin.

Tungkol naman sa sinabi niyang special na ang relasyon nila ng guy, “Mejo ngaun lang po. Mas bata po sakin ng 3 years. Hahahahahaha.”

Sinabi namin sa dalaga na nakasuporta kami basta sa ikasasaya ng puso niya pero siyempre iingatan niyang huwag masaktan ito at hiniling din namin na sabihan kami kung opisyal ng sila ng special friend niya.

“Ate Reg maraming salamat po,” sabi niya sa amin.

Samantala, ilang araw bago kami nasagot ni Angeline dahil naka-two weeks quarantine raw siya kaya tinanong namin kung bakit at saan siya galing para mag-self isolation.

“For asap po kasi every month po pag mag tape po kami ng ASAP need po namin mag quarantine ng 2weeks po,” sabi ng dalaga.
 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending