Jennylyn basag kay Arnell Ignacio: Wawasakin n'yo lang mga career n'yo! | Bandera

Jennylyn basag kay Arnell Ignacio: Wawasakin n’yo lang mga career n’yo!

Reggee Bonoan - August 03, 2020 - 04:41 PM

VERY vocal na ngayon si Jennylyn Mercado sa kanyang mga saloobin tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas.

Pati nga ang pagpapasara sa ABS-CBN ay pinuna rin niya at pinatutsadahan ang 70 kongresistang hindi umayong bigyan ng bagong prangkisa ang istasyon na naging dahilan ng malawakang retrenchment sa kumpanya.

Nabanggit din ni Jennylyn na marami na nga ang walang trabaho sanhi ng pagkalugi ng mga negosyo dahil sa COVID-19 pandemic ay dumagdag pa ang mga empleyado ng Kapamilya network na natanggal sa trabaho.

Anyway, maraming pumupuri sa GMA artist dahil sa paglabas niya ng saloobin sa gobyerno bilang taxpayer at sigurado kami na malaki ang binabayaran niya dahil isa siya sa prime artist ng nasabing network.

Pero hindi umayon si dating Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director Arnel Ignacio sa mga pahayag ni Jennylyn tungkol kay Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatulog sa nakaraang SONA ni Presidente Rodrigo Duterte dahil nag-viral kamakailan.

Ni-repost ni Arnel ang nasabing komento ni Jennylyn na sinulat ng isang blog site at ang caption niya ay, “Payo lang, ‘wag niyo na pasukin ang hindi ninyo linya. You have very successful careers dahil mahusay kayo sa linyang pag aartista.

“Do not ever think the power of popularity will instantly translate into mastery of the political jungle. Wawasakin ninyo mga careers ninyo.”

Sinagot ni Jennylyn ang reaction ni Arnel, “Naguguluhan na ako. Bakit parang nakalimutan ng ibang tao irespeto ang iba kahit iba ang opinyon nila? Hindi ba ‘yun ang isa sa mga unang tinuturo ng ating mga magulang?

“May qualification ba dapat bago ka magkaron ng karapatan na magkomento sa mga isyung panlipunan?

“Hindi ba sapat na mamamayan ka ng Pilipinas at nagbabayad ka ng buwis? Bakit kung kelan Pandemya na lahat tayo ay apektado saka ang iba ay pilit na pinatatahimik?

“The moment you hinder someone from speaking their mind to is the moment you failed to respect the rights of your Fellow Filipino.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang sagot si Arnel sa naging pahayag ng aktres.
 

 

 

 

 

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending