Kilalang radio host sa ABS-CBN lilipat na sa GMA 7? | Bandera

Kilalang radio host sa ABS-CBN lilipat na sa GMA 7?

Reggee Bonoan - August 02, 2020 - 04:14 PM

TOTOO kaya ang nakuha naming tsika na ang isang kilalang host at commentator sa nagsarang radio program ng ABS-CBN ay lilipat na sa GMA 7?

Hindi muna namin papangalangan ang kilalang radio personality dahil hindi pa tapos ang negosasyon ng kampo nito sa GMA management.

Balitang kasama rin ng Kapamilya host ang kanyang manager sa pakikipag-usap sa mga bossing ng GMA 7 para sa posibleng paglipat niya sa Kapuso station.

Tsika sa amin ng aming source, “Alam ko last week pa ia-announce, e, may radio program pa siya, so hinintay munang magpaalam sa ere.”

Hindi naman kami magtataka kung kukunin ang kilalang radio host sa GMA 7 dahil mahusay naman talaga siyang magbalita at magkomentaryo.

Maski saan siya ilagay ay siguradong aangat at aangat siya dahil sa kanyang malawak na kaalaman sa iba’t ibang issue ng bayan.

Wala na rin naman siyang ganap sa ABS-CBN dahil pati ang programa niya sa telebisyon ay namaalam na rin.

Nalaman din namin na dahil wala ngang kasiguraduhan kung kailan talaga makakabalik ang ABS-CBN sa ere kaya kailangan nang humanap ng ibang trabaho ang radio host dahil marami rin itong obligasyon sa buhay.

Teka, may co-host ang kilalang radio host sa programa nila, makakasama rin kaya ito sa kanyang paglipat? “Hindi ko sure,” say ng aming source.

Abangan na lang natin kung kailan ang gagawing announcement ng GMA sa kanyang pag-ober da bakod at kung ano ang magiging reaksyon ng publiko sa kanyang desisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending