outbrain

Julia, Tony, Ronnie, Loisa sasabak uli sa trabaho; taping ng ‘Cara Y Cruz’ may go signal na

By Reggee Bonoan July 31,2020
share this

Julia, Tony, Ronnie, Loisa sasabak uli sa trabaho; taping ng ‘Cara Y Cruz’ may go signal na

By Reggee Bonoan July 31,2020 - 11:40 AM

TIYAK na matutuwa ang mga fans nina Tony Labrusca at Julia Barretto na matagal nang naghihintay sa bago nilang project together.

Finally, gigiling na ang mga camera para sa teleserye nilang “Cara Y Cruz” mula sa RGE Drama Unit sa pamamahala ni Rizza “Mamu” Gonzales-Ebriega.

Sa pagkakatanda namin ay nag-story conference na ang buong cast ng bagong Kapamilya series kaya plantsado na ang kuwento ng nasabing serye.

Makakasama rin nina Tony at Julia rito sina Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Heaven Peralejo at Marco Gumabao.

Sa pagkakaalam namin, nakatakda na sanang mag-taping noong Pebrero ang buong production bago pa nag-lockdown ang buong bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Nakadagdag pa sa problema ng RGE Drama unit ang hindi na pagbibigay ng bagong prangkisa sa ABS-CBN matapos ang naging desisyon ng Kongreso.

Pero kahit nagkaganu’n ay matapang pa ring ipinatuloy ng management ang taping ng “Cara Y Cruz” na magsisimula na nga ngayong Agosto at mapapanood sa Kapamilya Channel at mga digital platforms ng istasyon.

Pahayag ni Julia, “Salamat sa Diyos, marami po akong makakasama sa teleseryeng ‘Cara Y Cruz.’ Mag-i-start na po kaming mag-taping sa August.

“Sana umere na po para mayroon kayong abangan sa ating Kapamilya Channel. So let’s keep praying for good things lang. Kapit lang, kapit lang tayo,” sabi ng aktres.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami sinasagot ng aming source kung saan ang location ng kanilang taping at kung lock-in din sila tulad ng ibang serye na nagbalik-taping na rin.

Samantala, ayon sa dalaga unti-unti ay natututunan na rin niyang mabuhay sa “new normal”.

“Actually I don’t know how to feel about it. Ang dami pang bagay na hindi pa nagsi-sink in sa akin. Ang dami pang bagay na hindi ko pa alam kung paano ako gagalaw sa bagong normal natin,” ani Julia sa isang panayam.

“But I think I’m taking it day by day. I’m just embracing the change na lang and see what I can do with it,” sabi pa ng young actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending