3 kaibigan ni John Regala sa showbiz umaksyon agad; humiling ng donasyon | Bandera

3 kaibigan ni John Regala sa showbiz umaksyon agad; humiling ng donasyon

Ervin Santiago , |July 30,2020
facebook
share this

3 kaibigan ni John Regala sa showbiz umaksyon agad; humiling ng donasyon

Ervin Santiago - , July 30, 2020 - 11:22 AM

WHEELCHAIR, pagkain, medical assistance at dialysis para sa kanyang liver cirrhosis ang pangunahing kailangan ngayon ng veteran actor na si John Regala.

Matapos mag-viral ang Facebook post ng isang nagmalasakit na delivery rider kung saan makikita ang kaawa-awang kundisyon ngayon ni John, agad na sumaklolo ang ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Kabilang na riyan sina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfus at veteran entertainment writer na si Aster Amoyo na gumagawa na ngayon ng paraan para mabigyan ng tamang medical treatment ang magaling na kontrabida.

Tinawag na “Gava Gives Assistance Account”, dito maaaring mag-donate ng kahit magkano ang sinumang nais tumulong kay John.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Nadia ang naisip nilang ayuda para kay John Regala.

“With the help of Nanay Aster A. Amoyo & Chuckie Dreyfus we have created a ‘Gava Gives Assistance Account’ for John and are now waiting for approval for the account wherein anyone who wants to help can send it through there,” mensahe ng aktres.

Nakausap na rin daw ni Nadia ang aktor pero nahihirapan daw siyang intindihin ang sinasabi nito dahil nga utal-utal nang magsalita.

Aniya, “I will be seeing him later together with a doctor friend that will take all tests brother John needs urgently.”

“To those who want to send donations and help of any kind to John please private message me,” dagdag pa ni Nadia.

Nauna nang nanawagan ng tulong ang aktor sa mga taong may mabubuting puso, “Ako po ay nahihiya pero kakapalan ko na po ang mukha ko. Bawat tao naman po ay dumadaan sa ganitong sitwasyon.

“Sana po kung hindi naman kalabisan sa inyo, pakitulungan naman po ako. Nagpapakumbaba po ako ng labis-labis. Gusto ko lang po talagang makapag-hanapbuhay.

“Itong nalalabi kong buhay po, igugugol ko na lang po sa paglilingkod sa Diyos at sa paghahanapbuhay,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sumikat si John Regala o John Paul Guido Bourer Scherrer sa tunay na buhay ay nakilala bilang magaling  at epektibong kontrabida sa mundo ng telebisyon at pelikula.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending